FAMILY DAY BENEFIT 2.0

FAMILY DAY BENEFIT 2.0

February 2, 2024 ay nagkaroon ng fieldtrip sa school ng aming anak. Nakakatuwa dahil covered ito ng Family Day Benefit ng Pandayan kaya naman nagamit namin itong benefit leave dahil parehas kaming nasa Pandayan. Isa sa nakakatuwa at nakaka-proud maging parte ng pamilya Pandayan dahil na rin sa mga benepisyong ating natatanggap. Dahil dito ay nagkaroon kami ng oras para sa aming pamilya. Ramdam na ramdam namin ang tuwa at saya ng aming anak na makasama kaming dalawa ng kanyang ama. Sa maghapon na ito ay talaga namang di namin alintana ang oras at ang pagod dahil nakikita naming nag eenjoy ang aming anak. Maging kami na rin dahil para kaming bumalik sa pagkabata. Masaya rin ako na maka experience ng ganito dahil sa panahon na ako ay nag-aaral ay di ko naranasan makasama sa mga field trip dahil kundi kapos sa pera ay wala naman oras o hindi makakasama ang aming parents kaya mas minamabuti na lang namin na huwag sumama. Kaya malaking tulong itong benepisyo na ito nang sa gayon ay hindi namin ma-miss ang mga ganitong karanasan ng aming anak. Nakakatuwa pa dahil di pa man araw ng sweldo ay Thank God dahil maaga nai-upload ang sahod kaya noong araw na ito ay naibibigay talaga namin ang mga gusto ng aming anak maging ang mga lugar at gusto niyang pagkain ay napuntahan at nakainan namin. Salamat sa Pandayan sa ganitong benepisyo at salamat din sa maagap na pa-sweldo na never pong na-delay sa aming mga Kapwa Panday gawa ng pagkakapantay-pantay ng lahat ng kapwa.